Friday, November 26, 2004

the drinking masters!

la lang i just want to share the pictures of timo and twati
mga pamangkin kong mahilig mag-inom!
kaya i call them
"the two drinking master" of milk


this is twati before drinking

at pagkatapos ng inuman ayan, bagsak na silang dalawa ng kuya nya


timo left, twati right,,

at ang epekto ke twati?


ayan hang over!

Tuesday, November 23, 2004

Napagtantong kahangalan!

mali ba ang magmahal?
sabi mo mahal mo ko?
naniwala naman ako,
sabi mo mag intay ako?
nag intay naman ako,
kasi kahit ganyan itsura mo, minahal na kita
pero naisip ko hanggang kelan?
lokohan na lng yata ito?
bakit ako mag iintay sa isang bagay na wala namang kasiguruhan?
madami akong pinagtanungan at
hiningan ng payo,
sa mga taong kilala ko at hindi.
iisa lng sinasabi nila, "kalimutan na kita.
mdami namang dyang iba".
tinanong ko muna sarili ko,
kakayanin ko ba?
naisip ko bakit hindi?
nabuhay naman ako kahit wala ka pa sa buhay ko,
siguro naman walang pinag-iba
kung mawala man ang taong nakasanayan kong nadyan lagi para sakin,
nagsasabing mahal ako,
at nag e effort talagang ipadama ang pagmamahal nya.
pero mahirap pala,
pinilit kong kalimutan ka,
nagpalit pa ko ng numero sa cellphone ko,
sabi ko nagresign na ko sa pinagtatrabahuhan ko
para tigilan mo lang ako
pero wala, nasayang lng lahat ng pagsisinungaling ko
bakit?
kasi taksil ang damdamin ko.
at me sa detective yata ang loko,
ngayon ko lang na realize
mahirap kalabanin ang tangang puso ko.
ang puso kong kayang baluktutin
kung ano ang idinidiktang tama ng isip ko.

ilang taon din ba ang lumipas?
pero andyan ka pa rin
ang sinasabi mo pareho pa rin
walang nagbago at mahal mo pa din ako
mahirap na proseso ang pinagdaanan ko
alam mo ba?
ilang galon na din ba ang niluha ko?
halos sumayad na sa lupa ang eyebags ko,
minsan nga naisip ko pa magpakamatay kaya ako?
pero mali pala, kahit na nasaktan ako
at sobra ng katangahan ang pinag gagawa ko
kakayanin ko to
at ang masasabi ko lang,
nagtagumpay ako
kahit na mahirap kang kalimutan
dahil iba ka sa lahat,
kahit sobra kong nasaktan kc minahal kita ng lubusan,
dito pa din ako nagpapatuloy sa buhay,
nag iisa..
pero kahit papaano masaya
dahil sa naiwan mong masasayang ala-ala
at alam ko habang me buhay me pag-asa.

at ikaw?
ewan ko!
naiisip ko kung kumusta ka na?
asan ka na?
masaya ka ba?
kayo na ba ulit dalawa?
kung ano kaya kung tayo talagang dalawa?
pero naiiling na lang ako,
alam ko na tapos na..
tapos na ang minsang masaya pero masakit na nakaraan nating dalawa.
wala na kong babalikan pa.....
pag aari ka na ng iba.

*ang nakalahad ay buhat sa personal na karanasan at istorya, kung sakaling inyong magustuhang kopyahin, at ipamahagi sa iba, magpaalam po lamang -aikat*

Friday, November 12, 2004

evolution of our first little rascal!

Im a one proud tita!
this is my first time to feature my nephews,
my first nephew is named bien timothy villarojo aranda
his 1 yr old and 5 mos now.
tawag ko "timo".
i was about to feature timo and his baby brother bien thomas "tuwati" villarojo aranda,
unfortunately i dont have his picture scanned yet.
this is timo's picture when his 2 or 3 mos old with his inay and tatay,,


hehehe mukhang inapi kasi nasa sulok,,

and after a few months later,,


his fave food? his finger!

and now?
wala pa, sa sunod na i feature ko naman si tuwati, dun makikita nyo ulit ang picture ni timo.

Thursday, November 11, 2004

FIGHT OR LET GO?

**questions na madaling sagutin pero mahirap gawin, **

1.Pano pag mahal ka ng taong mahal mo?
> >>> FIGHT ano pa ba ang dapat?
>
> 2.Pag di ka mahal ng taong mahal mo?
> >>> LET GO, hello me iba pa naman siguro jan,
>
> 3.Pag iniwan ka ng taong mahal mo dahil di
> ka na niya mahal?
> >>> LET GO kunat sya, kung ayaw na nya e di wag
>
> 4.Pag iniwan ka ng taong mahal mo kahit na
> mahal ka pa niya?
> >>> LET GO praning sya, hahanaphanapin nya din ako, kc nag iisa lng ako hehehe
>
> 5.Pag iniwan mo yung taong mahal mo dahil
> sa ibang bagay kahit na mahal mo pa siya?
> >>> LET GO kc di ko cguro sya ganun kamahal para ipagpalit lng sa isang bagay
>
> 6.Pag iniwan ka ng taong mahal mo dahil
> may mahal siyang iba?
> >>> FIGHT him, hehehe awayin mo sya loko pala sya e then LET GO
>
> 7.Pag inagaw siya sayo ng iba?
> >>> LET GO, it means di nya din ako mahal kc nag paagaw sya
>
> 8.Pag napunta sa iba yung mahal mo kahit
> na ikaw ang mahal niya?
> >>> LET GO mahina pala sya e, di sya nararapat sakin
>
> 9. Pag pinagpalit ka ng mahal mo sa taong
> hindi niya mahal?
> >>> LET GO sira ang ulo nya, wala na syang makikitang katulad ko
>
> 10.Pag ginamit ka lang ng taong mahal mo?
> >>> FIGHT him, declare ka ng world war III then LET GO
>
> 11.Pag niloko ka ng taong mahal mo?
> >>> LET GO seryoso naman ako kaya wlang lokohan,
>
> 12.Pag pinaasa ka ng taong mahal mo na
> mahal ka rin niya pero hindi naman?
> >>> LET GO lokohan na pala e
>
> 13.Pag mahal niyo ang isa`t isa pero
> nasasaktan kayo dahil sa maraming
> dahilan?
> >>> LET GO habang me natitira pang respect sa inyo
>
> 14.Pag ayaw sa`yo ng parents ng mahal mo?
> >>> depende pag pinangtangol nya ko e FIGHT, pag hindi e di LET GO
>
> 15.Pag ayaw ng parents mo sa kanya?
> >>> FIGHT pag wla namang masama sa relasyon namin pero kung meron LET GO, (masunudin na po ako)
>
> 16.Pag pagod ka na pero mahal mo pa siya?
> >>> LET GO, baka matuluyan ako
>
> 17.Pag pagod na siya pero mahal ka pa niya?
> >>> heh! LET GO at baka sya ang tuluyan ko
>
> 18.Pag ayaw sa kanya ng mga kaibigan mo?
> >>> same as #15, proven en tested na ang instinct nila khit me kunsintidor minsan
>
> 19.Pag ayaw sa`yo ng mga kaibigan niya?
> >>> FIGHT aba e %$^&o cla, di naman cla ang mahal ko, hehehe (bias ako)
>
> 20.Pag hindi tanggap yung relasyon niyo ng
> mga tao sa paligid niyo?
> >>> kung mali ang realasyon e LET GO pero kung inggit lang cla e, kiber ko, hehehe
>
> 21.Pag long distance relationship?
> >>> FIGHT, kaya ko yan
>
> 22.May mahal/minamahal ka ba ngayon?
> >>> ano ito?
>
> 23.Kung meron, ipaglalaban mo ba siya sa
> kahit ano...
> >>> basta be he deserves na ipaglaban e, at sobrang mahal ko

Wednesday, November 10, 2004

pain of letting go

I let go of something that I don’t own
I give up something that I know I have no right with
Do I have the right to be sad?
Do I have the right to be guilty of what I have done?
I hope I made the right decision
I hope ill won’t regret what I have done

It’s too presumptuous and absurd of me to think
hah! I don’t own them, they don’t own me and there's nothing going own between us.
So what’s the problem? I guess it’s my ego, and I’m afraid to be left alone,
My next question is why?
Why do I have to let go?
I could play a game so that I can have someone to call as mine,,
But I cant,
I don’t want to play and fool around
I’m looking for something serious, something deeper.
Cant afford to invest time, effort, and emotions.. And receives nothing in return.
I’m not ready for another heartache,
I’m not ready to fool myself and say that I love this person just for the sake of having a bf,,
man i have enough of that, and what a sitch!
sabi ko nga "if u cant find a good one then don’t have one"

Tuesday, November 09, 2004

lines from the heart of the monkey!

some of old & new lines na sinabi sakin, kakakilig pero puros bola, badtrip diba?

1."kung liligawan ba kita e sasagutin mo ko?" alam mo kc takot akong mapahiya e. >DA

2. cguro nga me iba ka ng pinaghahandaan, di kita inisantabi nagkamali lng ako cguro na unahin ang ibang bagay kesa sayo >DA

3. titiisin ko lahat, para din naman un sa magandang kinabukasan, saka para walang masabi ang babaeng mamahalin ko forever >R

4. him: nareceive mo text ko kagabi?
<<: alin dun?
him: yung mahal kita
<<: e ano ngayon, wala naman ng mangyayari kahit ilang beses mo sabihin yan
him: ok lang yun, di ko naman hinihiling na suklian mo, basta gus2 ko lng sabihn na mahal kita >CA

5. ayaw mo na ba talaga? aaminin ko marami akong pagkukulang at mali, sorry di ko sinasadya o ginusto yun. alam mo nman kung ano lng ako. >AH

6. "kagabi nga pala nung magkausap kayo, u dont even think about me na kung malaman ko yun e masasaktan ako. cguro nga di mo ko naisip at dat point kc cno ba naman ako. >AC

7. di ba u love me as ur bro and i love u as my sis? di ba pwedeng maging deeper ang love na yun? >NR

8. sorry pakiramdam ko kc im loosing u >DA

9. bkit? may mali ba sa tanong ko o baka may mali sa isasagot mo? di ko kayang sabihin na mahal kita pero alam ko meron dito saking pakiramdam na di pangkaraniwan >DA

10. kaw gus2 mo ba kong makasama? till death? for richer &amp;amp; for poorer? thru thick & thin? in short willing ka ba na maging asawa ko? mrs. _____? >CA

mga ungoy kayo! yun lang masasabi ko.

Sunday, November 07, 2004

rainy afternoon

nothing to do, still trying to learn on how to improve this blog, while listening to charlie wilson's without you & mymp's song. astig ang songs ng mymp (make your momma proud) nila, they are able to combine the love song w/ reggae rythm, astig diba, hey you should try listening to their song, promise di ka magsisisi. one time yun namang lyrics nila ang ipost ko sa muzzic ko. ok din yung without you ni charlie, hehehe kahit na sumakit pa ang mga tenga nila paulit-ulit kong papatugtugin to, hanggang sa pagsawaan ko! hehehe

Saturday, November 06, 2004

mga buhay-buhay!

i found this old note of mine dated feb 28 2002, and ito ang nakasulat

judicial necessity which is to give, to do or not to do (law ba ito?)
>>misses u already >> its a good thing im bc.
if not, i might die thinking of you. (pagka corny ko pala noon hehehe)

> hah! its too long i can't take it anymore atleast my longing to see you and to receive text from u is lessen, a bit
i told u "consistency is a must"

"collect, test en select" }motto ko
"baby if there's a will, bay there's a way" }nung panahong
"consistency is a must" }praning pa
"do i have to be the active subject or do i have the right to be one" }ko

feeling ko obligation ang tinutukoy ko sa notes kong to' at obviously e law ang inaaral ko cguro nung panahong to,, at dahil feeling inlove e kung ano-ano ang naisulat ko in between sa pagbabasa ko. weird talaga, pati pag aaral iniaaply sa personal na buhay. para masabing nakarelate ako sa subject na law!

nakakatuwa pala pag me nakikita kang mga notes no' parang gus2 ko tuloy isa-isahin ang mga books ko kc me mga kung ano ano pang nakasulat dun. it brings back those kilig memories,, hay parang ang sarap bumalik sa nakaraan, pero PARANG lng ha. baka naalala ko lng e yung magagandang memories pero baka di ko na kayanin na maulit pa yung malulungkot at di kagandahang ala-ala,,

hay next time ill tell you the stories behind those motto ekek na yan,, kahit parang walang kwenta e me sense and kanya kanyang nakakatuwang istorya yan,, so till next time..

**ei check other link muzzic there are some lyrics of some new songs that ul probably like,, okewls!!
tahtah!!