tupperware o orocan
astig sa title, parang commercial na "to del or not to del". this is not a matter of debate, la lang naisip ko lang. hehehe.
anyways seriously it brought to my mind kasi sabi ni kongs plastic daw ako. kasi ibang-iba ako sa personal compared sa sinusulat ko dito. isa lang yun e, either mas me sense ang mga sinulat ko kesa sa sinasabi ko or the other way around, hehehe. sagot ko dun? Hirap namang mag explain ng di masyadong defensive ang dating. Pero naisip ko din yun minsan, iba talaga ako pag nagsusulat, eto yung outlet ko. kung yung iba pag nagalit nagwawala talaga o kaya pag nalungkot umiiyak, ako iba… nagsusulat. Iba ang feeling ko pagkatapos magsulat, mas nae express ko ang sarili ko. Pag me mali akong nasulat mai erase ko pero pag me mali akong nasabi di ko na mababawi. Me instances din kasi na you feel awkward to talk about certain topics na di mo madiscuss sa iba kasi either sobrang babaw or sobrang lalim. isa pa mahirap ipaliwanag ang sarili lalo na at you have different point of view at ayaw makinig ng kausap mo. Me mga bagay na mahirap sabihin, tototo man o hindi. Ako I keep it to myself, di ko pwedeng komprontahin ang nararamdaman ko, either makakasakit ako ng kapwa ko sa comment ko o walang sense ang masasabi ko. Sabi nga “do not make judgment when your emotion is in control otherwise it will engulf you”.
Maari ngang masabing isang kaduwagan ang magtago ng nararamdaman sa pamamagitan panulat, e ano naman ngayon. idol ko yata si rizal, hehehe at malapit na din akong matira sa luneta.
Maaring para sa iba plastic ako, duwag o may split personality. Pero eto ako e, di ko mababago, you have to bear with me or else ill burry you!!
<< Home