Friday, April 15, 2005

hapi hapihan ang dating bc bchan!

ang saya saya ko, tapos na ang badtrip na tax period na ito. thank you Lord!
hay salamat po at magsi sipagtago na ang dalawang pimples na matagal ng namalagi sa face ko. ng dahil sa stress di na sila umalis mula january pa. nag-iiba lng sila ng lugar sa mukha ko, pero di sila nawawala, nawili ang mga pimples na ito at umabuso,, muntik ko na silang singilin ng board and lodging sa tagal ng kanilang pamamalagi, hehehe.
iba naman ang iisipin ko, quarterly naman,,
hay masasabi ko lng e ANIMAL!!
di na talaga matatapos ang trabaho ko pwera lang kung magsara ang kumpanyang ito. pero atleast di na siguro ganun ka stressfull.
eniweys,
sabi nga this too shall pass,,
and it did!!
makakapag blog na ko siguro ulit!!
yehey!!!
im back!!
its nice to be back..

Thursday, April 07, 2005

Get Mad, Get Even

nakita nanaman kita,
sa ganyang itsura..
sa ganyang sitwasyon,
ayoko pa naman na ganyan ka kasi ang panget mo
pero wala nagulat na lang ako nung sinabi mo na
"galit na galit ako",
"galit na galit talaga ako ai"
ayan nga at umiiyak ka nanaman
di ka na makahinga,
nasabi ko na lang
"panget mo tlaga"
di ka pa din tumigil
binigay ko uniform mo
sabi ko itakip mo sa bibig mo
tapos sumigaw ka para di madinig ng iba,
ayaw mo,
pero binigay ko pa din,
tutal basa na din ito ng luha mo
at wala naman akong panyo para pahiram sayo
para ipahid sa luha mo.
buti na lang nagsalita ka na
sabi mo "mahirap maglaba ng uniform",,
mejo iba ka na,
nakakasalita ka na
pero panget ka pa din,
ang pula ng mata mo,
gus2 ko itanong sayo "adik ka ba?"
kaya lng sabi mo sakin tulungan kitang ibukas ang palad mo,
kasi parang nastroke ka na yata sa galit.

ilang beses na ba kitang nakitang ganyan,
last time na umiyak ka,
binigay ko sayo ang lolipop ko,
na binili ko sa mercury,,
la lang, alam ko di ka na bata,
pero pampalubag loob lang.

naisip ko lang,
di ko na siguro makakasanayan na ganyan ka,
umiiyak at panget.
pero ok lang yan.
di ko sasabihin sayo na
"dont get mad, get even"
di na ksi uso yun
pero ang sasabihin ko sayo dear
"GET MAD, GET EVEN"
bwahahaha!
Image hosted by Photobucket.com