Sunday, July 30, 2006

overjoy

la lang just want to pour out yung natitira pang saya na nadama ko nung teambuilding, hapi kasi kahit lampa ako e nagawa ko ang mga activity dun kaya nga ako si
"Hyper Aikat".
hay sabi nga "ang kasunod ng tuwa ay hapis" bukas month end na. kaya bukas start na ng hapis, sana magawa ko ng maayos at walang mali ang trabaho ko. yun lang ENJOY!

Wednesday, July 12, 2006

nakalimutan!!

isang ala-alang nabaon sa nakaraan,
pinaglipasan ng panahon,
nabura sa isipan.

mga kaibigang nagkalimutan,
bagong relasyong mahirap simulan,
mga pagsasamahang di alam ang patutunguhan.

mga ala-alang hindi na magawang balikan,
mga sitwasyong di maiwasan,
takbo ng panahong di mapigilan.

asan ang kinabukasan?
ano ang sa akin ay nakalaan?
Sino ang may alam?


masakit isipin pero yun ang katotohanan,
Mga tanong na walang kasagutan,
Pawang haka-haka at espekulasyon lamang.

Saturday, July 08, 2006

sleepy head!!

wake up! kawawa naman ang blog ko, napabayaan na,, di na napansin. proven and tested na ang mga gawain na tulad ng pagta trabaho e nakakasira ng bisyo. hehehe,, di makapag hapi hapi. madaming bagay ang nakakalimutan at naisasantabi. well thats life kelangan talaga paminsan minsan e magsakripisyo. yun nga lang badtrip ka, la ka namang magagawa kundi magtiis tiis. isipin mo na lang 'this too shall pass or either this shall pass or you pass (away)' hehehe. o sabay ka sa pagkanta ng team song sa office, 'ang mamatay ng dahil sayo'