Sunday, September 24, 2006

tahanan at pamilya.

Asan na ang dating tawanan sa hapag kainan?
Asan na ang dating masayang istoryahan?
Asan na ang malalambing na kumustahan?

Isang pamilyang puno ng pagmamahalan..
Isang pamilyang kumpleto at nagdadamayan..
Isang pamilyang iminulat sa respeto at pag galang..
Isang pamilyang pilt kong pina ngangalagaan..

Di ko maintindihan kung bakit ganito ang pinagdaraanan,
Isang pamilyang itinatago ang mga hinanakit at pagdaramdam.
Isang kilalang na pamilyang unti-unting nawawalan ng pangalan.
Isang pamilyang magkakahiwalay ng hindi nagkakaintindihan.

Kelan mabubuo muli ang samahan?
Kelan maririnig muli ang malalakas na halakhakan,
Ang makukulit na biruan
Ang masasayang kwentuhan

Matatawag pa ba itong pamilya?
Gayong unti-unti nagkaka watak-watak na?
Asan ka na aking ina, iba kaya ang buhay natin kung andito ka pa?