Tuesday, November 23, 2004

Napagtantong kahangalan!

mali ba ang magmahal?
sabi mo mahal mo ko?
naniwala naman ako,
sabi mo mag intay ako?
nag intay naman ako,
kasi kahit ganyan itsura mo, minahal na kita
pero naisip ko hanggang kelan?
lokohan na lng yata ito?
bakit ako mag iintay sa isang bagay na wala namang kasiguruhan?
madami akong pinagtanungan at
hiningan ng payo,
sa mga taong kilala ko at hindi.
iisa lng sinasabi nila, "kalimutan na kita.
mdami namang dyang iba".
tinanong ko muna sarili ko,
kakayanin ko ba?
naisip ko bakit hindi?
nabuhay naman ako kahit wala ka pa sa buhay ko,
siguro naman walang pinag-iba
kung mawala man ang taong nakasanayan kong nadyan lagi para sakin,
nagsasabing mahal ako,
at nag e effort talagang ipadama ang pagmamahal nya.
pero mahirap pala,
pinilit kong kalimutan ka,
nagpalit pa ko ng numero sa cellphone ko,
sabi ko nagresign na ko sa pinagtatrabahuhan ko
para tigilan mo lang ako
pero wala, nasayang lng lahat ng pagsisinungaling ko
bakit?
kasi taksil ang damdamin ko.
at me sa detective yata ang loko,
ngayon ko lang na realize
mahirap kalabanin ang tangang puso ko.
ang puso kong kayang baluktutin
kung ano ang idinidiktang tama ng isip ko.

ilang taon din ba ang lumipas?
pero andyan ka pa rin
ang sinasabi mo pareho pa rin
walang nagbago at mahal mo pa din ako
mahirap na proseso ang pinagdaanan ko
alam mo ba?
ilang galon na din ba ang niluha ko?
halos sumayad na sa lupa ang eyebags ko,
minsan nga naisip ko pa magpakamatay kaya ako?
pero mali pala, kahit na nasaktan ako
at sobra ng katangahan ang pinag gagawa ko
kakayanin ko to
at ang masasabi ko lang,
nagtagumpay ako
kahit na mahirap kang kalimutan
dahil iba ka sa lahat,
kahit sobra kong nasaktan kc minahal kita ng lubusan,
dito pa din ako nagpapatuloy sa buhay,
nag iisa..
pero kahit papaano masaya
dahil sa naiwan mong masasayang ala-ala
at alam ko habang me buhay me pag-asa.

at ikaw?
ewan ko!
naiisip ko kung kumusta ka na?
asan ka na?
masaya ka ba?
kayo na ba ulit dalawa?
kung ano kaya kung tayo talagang dalawa?
pero naiiling na lang ako,
alam ko na tapos na..
tapos na ang minsang masaya pero masakit na nakaraan nating dalawa.
wala na kong babalikan pa.....
pag aari ka na ng iba.

*ang nakalahad ay buhat sa personal na karanasan at istorya, kung sakaling inyong magustuhang kopyahin, at ipamahagi sa iba, magpaalam po lamang -aikat*