Wednesday, July 12, 2006

nakalimutan!!

isang ala-alang nabaon sa nakaraan,
pinaglipasan ng panahon,
nabura sa isipan.

mga kaibigang nagkalimutan,
bagong relasyong mahirap simulan,
mga pagsasamahang di alam ang patutunguhan.

mga ala-alang hindi na magawang balikan,
mga sitwasyong di maiwasan,
takbo ng panahong di mapigilan.

asan ang kinabukasan?
ano ang sa akin ay nakalaan?
Sino ang may alam?


masakit isipin pero yun ang katotohanan,
Mga tanong na walang kasagutan,
Pawang haka-haka at espekulasyon lamang.