corny, pero alam ko na!
bakit ganun?
nag uusap naman tayo
pero paulit ulit lang
at iisa ang topic
tungkol sa pag ibig natin sa isat-isa
tungkol sa mga pangarap natin kung sakaling mag year 2007 na
pero bakit ganun,
yun na lang ba ang pag uusapan natin?
wala na bang iba?
minsan naiisip ko nagsasawa na ba ako?
o me hinahanap akong iba?
di ko kasi maiwasang maikumpara ka sa kanya,
di ko sinasadya pero yun ng sumasagi sa isip ko
kung bakit di ka katulad nya
madami syang alam,
nung magkasama pa kami
madami kaming napagkukwentuhan,
madami kaming pinagkakasunduan,
madami kaming pinagtatalunan, at
madami kaming pinagdidiskusyunan,
mga bagay bagay ukol sa trabaho nya,
sa trabaho ko,
sa buhay ng iba,
sa mga computers,
sa mga kanta,
sa pagkain,
sa kotse,
sa makina,
at kung ano-ano pa,
iba-ibang talaga kayong dalawa,
pero hindi bale na
kasi mas gusto kita,
kasi alam ko na mas mahal mo ako kesa sa kanya,
alam ko na ako lang ang mahal mo,
wala ng iba,
hindi mo na kelangan magkwento pa ng ibang bagay,
kasi mas mahalaga sayo na ang pag usapan natin ay ang tungkol sating dalawa,
kahit na paulit ulit na lang ang topic natin,
ok lang
gusto ko mang pag usapan
ang tungol sa trabaho mo,
sa trabaho ko,
sa buhay ng iba,
sa mga computers,
sa mga kanta,
sa pagkain,
sa kotse,
sa makina,
at kung ano-ano pa,
lahat yun nawawalang halaga,
kasi mas masarap pagkwentuhan talaga ang tungkol sating dalawa,
iba pag nakikinig ako sa 'yong mga bola
iba pa rin pag sinasabi mo na hindi na tayo mag hihiwalay,
na balang araw magkakasama na tayong dalawa,
at magiging mag-asawa,
di ko nga makalimutan ang lungkot sayong mga mata
tuwing maghihiwalay tayong dalawa,
ang higpit ng hawak mo sa kamay ko,
at kung pano mo ko tinititigan sa mga mata ko para maalala mo kamo ako hanggang sa pag-uwi mo.
corny diba?
ngayon alam ko na,
kaya kita minahal
kasi kahit hindi ka makwento,
hindi ka pala istorya,
nagagawa mo namang ipadama na andito ka lagi sa tabi ko,
magkalayo man tayo sa isat isa,
naipapadama mo na hindi na ko mag iisa.
you may not be a good conversationalist,
but you have this way of conversing thru your heart.