Malay natin!
bakit kaya ganun?
kung ano ayaw ko, yun ang nangyayari
kung ano ang gusto ko di naman mangyari
nananadya ba ang panahon?
o isa nanaman itong biro ng pagkakataon?
masamang biro to, kasi nasasaktan ako
di ko na alam baka ako ang me problema,
baka ito ang bunga ng mga inakala kong tamang desisyon.
pero kelangan ba talagang pagdaanan ang lahat ng ito?
ang lahat ng masasakit na bagay?
bago natin matutunan ang takbo ng mundo?
bago tayo makasunod sa agos ng buhay?
kahit ilang beses na tayong nadapa at nabagok sa mga pagkakamali,
kahit pakiramdam mo napagdaanan mo na ang lahat,
at parang paulit na lang ang pangyayari,
di mo pa rin magawang perpekto ang takbo ng buhay.
di mo parin magawang iwasang magkamali, makasakit at masaktan.
diba sabi nila bilog ang mundo?
at patuloy ito sa pag inog,
at kung ano man ang pinagdadaanan mo ngayon,
sa pag ikot nito e mababago ang lahat.
pero tuwing lugmok tayo sa problema
pakiramdam mo kwadrado ang mundo
at di ka na makakaahon at mapupunta sa ibabaw.
cguro nga pana panahon lang yan,
kelangan mo lng ng pasensya, tyaga, pagsisikap at matinding paniniwala.
naflat man ang mundo ko,
me vulcanizing shop naman,
kaya ok lang,
alam ko kahit anong problema pwede pang remedyuhan.