3 yrs from now?
saturday - oct 3, 2004 tinanong ako ni grace "3 yrs from now nasan ka?"(HR na hr ang dating nya). hirap ng tanong parang interview sa pag a apply sa trabaho , pero mas maiksi na kc kalimitan 5 yrs or 10 yrs ang question pero sa kanya 3 yrs lang. ano ba sagot ko? "ewan ko basta ang alam ko wala na ko sa P.A.".. ngayon napapaisip ako san nga kaya ako pupulutin 3 yrs from now? ayoko namang maiwan d2 sa P.A. at tiisin ang minsang nakakaasar na boss diba?
lahat ng kasama ko ngayon bc ng aaply sa singapore, india, kuwait, canada o kahit iraq daw ok na din daw basta makaalis lang sa pinas. ako? ayoko umalis e, ewan ko pero me pumipigil sakin, di ko alam kung dahil sa pamilya ko, sa mapapabayaang ari-arian o dahil sa takot ko mismo sa mangyayari pg umalis ako.
pathetic? corny? plastic? o stupid?
alam ko masama din ang epekto, baka daw di na ko makapag asawa (HALA KA!). pero di naman cguro, di ko pa naman isinasara ang possibilities, me mga bagay lang akong dapat ayusin, at baka next yr matapos ko yun, me mga plano ako na di pa natutupad lahat and since isang plan ko e nagawa na, unti-unti na lang at onti pang encouragement from them or onti pang frustrations baka nga makalis din ako,, ang tanong e kelan?
me bago na namang tanong, e yung unang tanong pa lang ni grace di ko na masagot, sa haba ng sinulat ko, ng namuni-muni ko pero eto ako wala pa rin konkretong sagot.. di naman ako si nostra damus o c madam auring.
basta ang alam ko lang e ako c AIKAT, isang babaeng me simpleng pangarap, di ko man maabot ngayon lahat, alam ko me bukas pa para sa lahat. habang me sumisikat na liwanag sa umaga me pag asa, at kung lumubog man ang araw at magtakipsilim na, alam ko anjan lang mga kaibigan ko, pamilya ko, at SYA.
" i leave everything to HIM, i know HE is the only one who knows what is in store for me. all i have to do is believe and trust HIM. i know that he will tell me what to do, where to go, and when,, i just have to pray, listen to what HE will say and obey. LET HIS WILL BE DONE"
<< Home